Streaks of green

by

After 6 agonizing losses, finally e nagpakita ng katakut-takot na buhok sa kilikili ang FEU Lady Tams as they barged into the winning column three times in a row to breathe life into their struggling season.

(I know I could have written this decades ago kasi natalo na sila ulit ng tatlong beses, pero dahil I’m such a horrible writer e may excuse ako.)


Actually, lumalaban naman talaga ang FEU kahit sa simula palang, at mga talentadong pinay din naman ang nasa lineup. It took them their first six games para makaipon ng sapat na experience, what with the squad having 12 rookies lang naman.

Maraming nagkwestyon tungkol sa leadership qualities ni Maica Morada, sa setting ni Gyzelle Sy, sa height ni Kath Magsumbol, sa diskarte ni Rose Vargas,sa pangangatawan nina Mayjorie Roxas at Dhana Henson, at sa kakayanang manalo ng buong team. Medyo marami ang tanong, at mas madaling mainip sa mga kasagutan when you’re losing.

 

Luckily the answers came bago pa man masulat sa kasaysayan na walang panalo ang Lady Tams after the first round of eliminations. They forced the UP Lady Maroons to a winner-take-all fifth set at doo’y ipinagbunyi ng FEU ang una nilang panalo sa Season 73.

Parang isang kotong sa ulo yung larong yun para magising sila at magsawang matalo. Sa wakas ay nagkaroon ng tatlong sungay ang Lady Tamaraws na nagamit nila para suwagin ang dalawa pang sumunod na nakalaban. Niresbakan nila ang UE at Adamson para itala ang una nilang winning streak ng taon. Unang sarap pagkatapos ng matinding hirap. Sweet.

Though tatlong talo ulit ang sumunod, di na maikakailang the future is bright para sa FEU. Lalong gumagaling ang mga bata at mas mataas ang aakyatin nila sa Rookie Ladder natin para sa January.

Oo nga pala– payat parin sina Roxas at Henson, minsan napapalakas parin ang mga palo ni Vargas, maliit parin si Magsumbol at nagkakamali parin sina Sy at Morada. Pero medyo nakaka-recover na sila sa pagkawala ng key veterans sa team, as they try to make names of their own. Expect a better showing next season.

5 Responses to “Streaks of green”

  1. yvonne Says:

    shocks!, ba’t pti pix ko kxama? haha..
    invasion of copyright yn..chos!
    in FAIRView, hindi nakakanose-bleed basahin
    ang blog mo kasi my touch of wit…

    • carL Says:

      wala kasing masyadong pumapansin pag puro english..kaya may halong filipino..
      tsaka hayaan mo nang ginamit ko yung pic mo na may armpit hair..o di ba, haba ng hair mo!

  2. shans Says:

    Ang haba!!!! Pahenge!!!!

  3. Lhara Says:

    Dino yung nasa gitna!?!!

  4. Ryan Says:

    Lalalalike ko ito!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: