The Joanne Siy-tuation

by

Last season, Joanne Siy was the most promising lady spiker in the UAAP rookie class. In just her first playing year, di lang sya naging vital piece ng De La Salle University team kundi best blocker na ng buong liga.

Well, that was last season. Ngayon, inaabot ng ilang laro bago pa sya makaapak man lang sa court. At ang masaklap pa nyan, garbage time lang ang madalas na nalaro nya kasi ipinapasok lang sya pag siguradong panalo na.

Kumwari i-analyze natin ang options:

  • Magtiis hanggang next season

Dapat bang mag-chill pa rin si Joanne kahit pinapainit ng pwet nya ang bangko nila? Puro upo nalang ang nangyayari sa kanya this season, pero siguro nagtitiwala sya sa coach or binabalato nya nalang tong season na to kay Jacq Alarca na mawawala na anext year. Napakaganda ng showing ng  tatlong malalaki ng La Salle (Alarca, Marano, Gumabao) at nilalampaso nila ang opposition, kaya malamang di yan bubuwagin some time soon.

  • I-develop ang spiking

Si Michelle Gumabao at ang pag-skyrocket ng improvement nya ang salarin kung bakit di na nararanasan ni Siy ang pagpawisan sa taraplex. Di mo naman pwedeng sisihin si Michelle kung bakit ganun ang epekto sa kanya ng training nila sa Japan. Virtual switch of roles ang nangyari sa kanilang dalawa: Gumabao is on top of the best blockers’ list habang si Siy ang nangangarap ng playing time.

Kung susuriing maigi, pareho silang sa blocking may pinakamalaking impact. Pareho silang maganda, at di ko alam kung bakit ko sinasali to kasi wala namang koneksyon. Mas matangkad si Gumabao at pumayat sa kaka-ensayo (o baka inspired lang talaga) kaya kita agad ang dedication towards improvement. Si Siy naman e quicker ang reflexes at mas magaling sa back court coverage.

Pero ang kicker dyan ay ang pagiging mas powerful hitter ani Gumabao kaya kung balak humabol ni Siy, she should start from the offensive end.

  • Hilingin na mag-iba ang coach

Ultimately, si coach Ramil De Jesus ang magde-decide kung sinu-sinong ipapasok nya sa game. Di natin alam kung may sorpresa ba syang inihahanda para sa playoffs pero kung meron nga, sana alam ni Joanne bago pa sya maubusan ng confidence. Pero if everything turns out bad, pwede naman syang

  • Lumipat sa ibang school

Don’t know if it’s good or bad, but it’s exciting for the fans at nagiging trend na. Pinaganda ng National U ang sports program nila kaya ang tinuturing na UAAP’s worst women’s volleyball team DATI e magiging isa sa pinakamalalakas na tems at least in the next few years.

Maraming big names na ang nagsi-ober da bakod at pwede syang sumabay sa uso (killjoy nga lang ang two-year residency rule), at may pitong schools pa syang paglalaruan kung sakaling ma-imbyerna sya sa role nya ngayon sa team. Lahat naman yata ng tao gusto ng better balanced competition, yung tipong apat o limang teams ang kayang mag-champion.

Nga pala, pwedeng sagutan yung poll question sa taas at welcoe din ang comments, para astig.

3 Responses to “The Joanne Siy-tuation”

  1. jo Says:

    magtiwala po tayo kay coach ramil, I’m sure may plano siya

  2. greggy Says:

    I so love joanne siy. Nagtaka nga ako last season kasi di siya pinag lalaro. Honestly siya ang inaabangan ko sa la salle. Nakaka disappoint lang na di siya pinaglalaro masyado. Rookie of the year pa man din siya. Tapos is it true na di siya kasama sa DLSU line up dis coming season? Sana kasama siya kasi wala na sina alarca at mercado.😦

  3. pana @ garter Says:

    Michelle Gumabao anak pala ni Kuya Dennis Roldan, as I suspected Mitchell and Michelle. GO LA SALLE !!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: