UST: Can they defend the title?

by

BEST CASE SCENARIO: championship

WORST CASE SCENARIO: 5th place

UNI GAMES Line Up:
1 Rhea Dimaculangan
2 Mia Hirotsuji
3 Kat Carangan
5 Jane Gonzales
7 Dancel Dusaran
8 Aiza Maizo(C)
9 Maru Banaticla
10 Maika Ortiz
11 Judy Caballejo
12 Verlyn Bernal
14 Loren Lantin
18 Val Amar

Sa huling stages ng UAAP last year, nagpakawala ng nakakawindang na sorpresa ang UST Tigresses. Pinahiya nila ang noo’y di pa natatalong Lady Archers ng DLSU hanggang sa masungkit na nga nila ang Season 72 title. Pero ngayong minus two major contributors na sila, kaya kaya nilang mang-sorpresa ulit at i-defend ang korona?

Importanteng players ang wala na ngayong taon para bumandera sa kanila: ang spitfire na si Angge Tabaquero at ang mahahabang galamay ni Dindin Santiago. Ubos na ang eligibility ni Angge samantalang pinili naman ni Dindin na mag-sit-out this year at magsuot ng National U jeersey next year.

May good mix of veterans at up-and-comers pa namang natira sa lineup ng UST ngayon.  Spearheading their campaign will be last season’s Finals MVP Rhea Dimaculangan at si Aiza Maizo na solid sa net. Ito rin ang taon na magde-develop nang husto sina Maru Banaticla at Judy Ann Caballejo para tumulong ng big time sa opesnsa. Also, gusto ko ring makita sa loob ng court si Val Amar para naman masukat nang maigi ang potential nya.

And yes, they’ve got coach Shaq delos Santos na naging maganda ang pagkundisyon sa Tigresses nya last season. Pinaniwala nya ang Lady Archers na nasa bag na nila ang trophy pero nung nag-peak na ang USTe e wala nang nagawa ang La Salle.

Di sumali ang UST sa huling V-League conference for whatever reason concerning their players. Nakatulong kaya ang extra rest? O baka naman medyo kalawangin sila sa umpisa ng season ngayon? Naging sapat ba ang development ng up-and-coming spikers nila?

Maging sapat kaya ang kung anong meron  sila ngayon para idepensa ang korona, o magigiba ang Great Wall of Espana?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: