Asan ang Baste?

by

Ayun, nilamon ng Adamson.

Nasubukan ko nang makipaglaro ng volleyball sa dingding, e mahirap pala. Maiinis ka nalang di ka pa rin makaisip ng paraan kung paano mo yun matatalo. Nasubukan na rin siguro yun ng Adamson, kaya nagpaka-dingding sila ng depensa.

Ang San Sebastian naman grabe sa firepower, what with Jeng Bualee, Sue Roces, Joy Benito and Ellaine Cruz bombing relentlessly. So nakipaglaro sila sa dingding.

Kung sabagay di natin masisi ang Lady Stags that they chose that route, kasi puro pang-opensa ang key players nila. Si Roces back-to-back MVP ng V-League, best scorer si Bualee at runner-up as best setter si Bamcie Belen.

Gasgas na yung ‘defense wins championships’, pero yun ang pinaniniwalaan ni coach Dulce Pante. Kaya puro pang-depensa naman ang awards ng mga bataan nya–best blocker (Pau Soriano), best libero (Angel Vasquez) at best receiver (Gelai Benting).

Ang triumphant na Adamson belles

Walang award na nakuha si Mic Laborte, pero sya ang pinaka-importanteng sangkap ng tagumpay nila ngayon. Being the best defensive volley belle in the country ever, I’m sure marami syang naituro kina Soriano at Gail Martin. I bet she didn’t mind na medal lang ang naiuwi nya, natikman nya naman ang first championship nya sa liga.

Kabaliktaran ang nangyari kay Bualee, for the nth time ay uuwi syang di ganun kasaya. As usual ay dala-dala nya ang individual award pero hindi ang ngiting dulot ng kampeonato.

Individual awardees

Floor defense has always been Adamson’s main strength, at nung nawala si Lizlee Ann Gata (best libero ever) e akala ko mababasag sila. Yun pala ang parang-9-years-old-na-bata-lang na si vasquez e kaya na palang magpaamo ng mala-halimaw na spikes ng kalaban. Sabay nagkaroon sila ng height at presence sa net when Laborte and Nene Bautista hopped in as guest players.

Tremendous din ang improvement ni Soriano sa blocking at attacking. Des Patilano is underrated but she’s as solid a floor director as any other setter today. She even outwit Belen in the finals. And what about Sheila Pineda’s timely substitutions? Coach Pante looked like a genius out there, i loved the Pineda-for-Martin pattern at the back line.

Pau with Denise Tan

konting blah-blah-blah ko pa and before you know it natapos sa straight sets ang laro. Kaya ang moral ng post na to: wag makipaglaro ng volleyball sa dingding. tagilid tayo dyan.

2 Responses to “Asan ang Baste?”

  1. Tetel Says:

    Tama ka diyan :))))) Huwag makipaglaro sa dingding kasi matatamaan ka lang sa mukha =))))))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: