May isda yata sa library

by

October 15, 2009 by misteryu

Thanks nga pala kay pareng Ondoy, napag-swimming nya ang mga ilang linggo nang di naliligo. At wag ka, nabigyan nya ng exposure ang mga batang kalyeng di mo akalain ay magagaling pala sa larangan ng diving! Oo, kitang-kita sa news yung mga batang yun habang ginagawang diving platform ang mga street lamps! Saludo!

Di ko lang alam kung anong naging sitwasyon ng mahal (nga ba?!) nating university nung kasagsagan ng bagyo, pero malamang ay di naman naapektuhan yung mumunti nating library kasi nga nasa third floor yun. Wala namang literal na isdang lumalangoy, pero parang naaamoy kong there might be something fishy going on.

Pansin kong sa Assessment Form ko ay may binayaran tayong Library Fee (100Php), School/Library ID (100Php), at School/Library ID validation (4Php); amounting to a total of 204Php na may kinalaman sa library.

Pero laking gulat ko nang malaman kong may kelangan pa ulit tayong bayaran na Library Borrowers Card (15Php plus 1×1 picture). Narinig ko pa sa iba na 25Php daw ang singil sa kanila ng librarian (na itago nalang natin sa pangalang “Sister”), at yung iba ay sila nalang ang pinag-laminate.

Sinubukan naming itanong sa Chancellor nung September pero di nya daw alam yung tungkol sa dagdag bayarin na nabanggit. Syempre di pa din namin naintindihan na di pa pala kasali sa 204Php yung LBC.

Ang malupit nyan, may pahabol pa si Sister. 2Php per hour ang hiraman ng libro. Nope, di ito yung penalty na pag lumampas ng isang araw e di mo pa nasasauli yung book (iba rin ata rate nun). Ewan ko lang sa ibang schools, pero ngayon ko lang na-encounter tong ganitong poliy.

Sana naman e di ito isang kaso ng CORRUPTION. Kasi kung ganun nga ay masama to sa image na pino-portray ni Sister, sa library, sa URS Rodriguez ampus, at sa buong university mismo.

Napa-anak-ng-jueteng din ako. Syempre pera natin yung ibinili ng kung ano mang nasa library ngayon. Naaastigan lang ako sa idea na binayaran ko yung pambili ng libro, pero pag gagamitin ko na e babayaran ko pa ulit ang bawat segundong nasa kamay ko yun.

Wala pa tayong magagawa kundi hintayin ang paliwanag ng mga kinauukulan sa usaping to.

Sa ngayon ay wala pa naman tayong conclusion na may isda nga talaga sa library, pero basta, parang fishy nga talaga.

Sa tingin mo?

2 Responses to “May isda yata sa library”

  1. chai Says:

    URS?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: