Teaching the elders how to respect the kids

by

-pcenxia na kau kng umaliz kmi aa..d lng nmn maatim ung mga tlian nla, kpikon kya, haizt..

-xenxia na tlga..xka nbbastos kna kya, ngkmli lng xa lter 2do twnn cla, e ang ingay kya nlapnu mo maiintndhan? tpoz ngmomn8 c mariel d mnlng pnncn,!

-ixa pa ngulakan cla don nbangga c chery uala mnlng xory, tma ba nmn un..haizt..ms ggus2hn q pang umaliz nlng kexa mrnig nmng ginagago kau..xkt kya xmn non..

IN THE MOST TOUCHING WAY POSSIBLE, pinadaanan ako ng psimpleng text message ng isang classmate. Tungkol ito sa pagwo-walk out nila sa isang organization meeting na pinasinayanan ng higher year levels ng course namin. maganda ang hangarin, ang outline ng events. Sa katunayan nga pinagdasal pa ng lahat na sana maayos ang takbo ng gapang, pero kung bakit humantong sa “pambaastos” daw ang maghapon namin, ganito yun:

ANG UGAT NG PUNO

Actually, simula pa lang talaga sablay na. Hindi nagkaintindihan sa schedule at sa duration ng meeting. May nasagasaang once-a-week subject namin, pero solb na yun kasi nagpaubaya na lang ang instructor namin. Kinumbinse pa nila kami na nasa magandang course kami napunta– at sa opinyon ko marami naman kaming na-convince na tama ang pinasukan namin.

Pero nang magsimula nang magbotohan ng bagong set of officers at wala nang instructor sa loob ng kwarto, all hell broke loose. Nalunod sila sa dami naming first year students, at hindi naman namin kasalanan kung sa lahat yata ng school e mas marami talaga ang freshmen kesa sa mga oldies. President pa lang galing na sa amin, at alam kong bumoto kami sa kanya hindi dahil classmate namin sya kundi dahil naniniwala kaming he can lead us. Benj is a natural leader, at hindi fluke yung pagiging supervisor nya dati sa isang call center company.

ang kagalang-galang naming president sa kanyang pinaka-kagalang-galang na pose..

ang kagalang-galang naming president sa kanyang pinaka-kagalang-galang na pose..

Dahil lampas kalahati kami, lampas kalahati din ang elected officers na galing sa amin. Dumating pa sa puntong ayaw na nilang bumoto kasi parang wala din naman daw kwenta kung hindi namin gusto yung ma-nominate nila. Tapos nag-ingay sila nang parang wala nang bukas. Walang katapusan, kahit pa pilit silang pinatitigil ng outgoing president ng org. At yun nga, hindi kinaya ng ilang kaklase ko, nag-walk out nga.

SECRETARIO NA DAW SI SNOBERO? WEEH!

Seryoso ba to? Ako pa ang nabotong secretary, isang posisyong ni hindi ko napanaginipang maiisipan nilang ipagkatiwala sa akin. For starters, my handwriting can be compared to a two-year-old’s. Tapos first time ko pa yatang magsulat sa board nug pagkakataong yun, which elicited unfriendly howls from the higher year levels. “Buti nalang naimbento ang computer,” sabi pa ng iba. Honestly, nasaktan din ako nung parang nun pa lang nawawalan na sila ng tiwala sa magiging bagong administration, hindi lang sa akin kundi para sa aming lahat. Pero iba yung sakit e, parang gusto ko silang isa-isahin at batukan. Wala pa naman akong nakikitang mas malaki pa sa akin nun, pero sila pa yung maangas.

Then I realized, teka, I think I can do the job. Not once in my life have I tried to doubt my writing skills kahit sa paningin ko i don’t have the best handwriting in the world. Hindi ko na siguro sasabihing 97.2% ang passing rate ko nung university admission exams, o doble-doble scholarship grants ko sa dati kong school. Na I’m not a stranger to holding a pen kasi naging editor-in-chief ako ng high school publication, associate editor as a college freshman, campus sportswriter for five years. Na naggala ako sa iba-ibang parte ng Pilipinas para mag-compete sa national, regional at divisional contests tulad ng sports writing, broadcasting, kung anu-anong quiz bees at battle of the brains. Teka, sinabi ko rin yata.

RESPETO

Ang gusto ko lang naman ipaabot ay dapat na mag-respetuhan naman tayo. Sure, medyo embarrassing siguro yung manggaling pa sa freshmen ang titingalain ng buong BS Community Development bilang officers. Pero isipin din sana nila kung bakit nagkaganun. Kahit nga yung outgoing officers na galing sa kanila nag-apologize sa amin dahil sa sobrang ingay nila. Paano namin sila pipiliin bilang leaders kung sila mismo hindi kayang maging role models para sa amin?

Ang malupit nyan, nang mabigyan kami ng pagkakataong magsalita ay pilit silang umeepal pa rin. Ewan ko lang dun sa isang ate, pero sa tingin ko naman ay matino sya.

AKO: Pasyensya na kayo sa mga umalis sa amin, pero quits lang yun kasi may maiingay din naman sa inyo.

YUNG ATE: Hindi quits yun, kabastusan yun e! Hindi nga namin ginawa yun dati sa higher years namin e.

Tsk, tsk.. Talagang parang ayaw pang kalimutan e. Kami na nga yung nagpa-kumbaba, gusto pa rin nila ng sagutan. Sana naman mag-mature sila sa mga ganung sitwasyon, mas masahol pa sila kay Noli na natutulog lang o sa mga ateng nagbabasa lang ng Bob Ong habang may meeting. hindi porke’t mas matatanda, di na pwedeng labanan, lalo na pag may katwiran. Ano ngayon kung di nyo ginawa yun dati?! Baka naman mas matitino sa inyo yung seniors nyo. Pangit naman pakinggan na kayo pa yung pagsasabihan ng mas bata sa inyo ng tungkol sa respeto.

ganito kami ka-seryoso sa usaping respeto..

ganito kami ka-seryoso sa usaping respeto..

PAHABOL

Nga pala, kung may nakakabasa man nito na galing sa seniors namin, pasensya ulit. Nirerespeto ko pa rin kayo, at sana makalimutan na natin yung kung anumang hindi magandang nangyari. Kung gusto mong mag-comment, sa baba mo isulat. Name at email address lang ang kelangan ko dyan, tas syempre yung masasabi mo.

Sa classmates ko naman, ayos lang kung hindi nyo talaga nakayanan yung ingay nila. Salamat sa concern, touched talaga ako. Minamahal ko kayo lalo, at isa kayo sa mga dahilan kung bakit parang mas gusto ko na ngayong mag-stay sa college natin. Mwaaaahhhh!

Tags: , ,

5 Responses to “Teaching the elders how to respect the kids”

  1. sows Says:

    natawa ako sa header mo…haha…^_^

  2. misteryu Says:

    ayos ka brod ah..
    dalawa na tayo!

  3. clang_Dioza Says:

    ARUYYY…makapag pose wagas…

    sowie if latesa comment harhar…peo as ive red your workkkkk…

    harhar so interesting and ka intrigues harhar…

    sana naman maisama mo ko sa mga blogs mo kahit onting “name ko lang makita ko OKS na OKS na” harhar…

    iba ka you have your X- FACTOR…

    BOB ong Jr. na….. future ED-CHIEF pa….tsktsk….

    fan mo na rin ako….

  4. Angelo Umali Says:

    Ay dito sa sub urban ang mga batang edad 10 pataas ang mga siga siga at may mga sumpak pa kaya gabi gabi may rambol.
    Sana maglagay ng police outpost dito pra matigil na yang mga rambulan, batuhan at putukan.
    Sana kung magkaubusan sila sila an lang pero kawawa naman ang inosenteng nadadamay.
    Panawagan sa kapulisan, paki ayos naman po at nagiging Pitong Gatang itong lugar namin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: