Kabihasnan

by

Sorry.

Baka medyo mawala ako sa sirkulasyon. Lumipat kasi kami sa mga kabundukan ng Rodriguez, Rizal. Tama ang hula mo, kaya kabihasnan ang title kasi dyan ako palayo nang palayo sa ngayon. Okay lang, pag nagkatrabaho naman ako dito sa Marikina eh mas madalas ko pa ring maa-update tong blog na to.

Marami na ring nagse-search nang tungkol sa paano pumasok sa eSeM, tsaka nanghihingi ng listahan daw ng mga empleyado sa eSeM Taytay. Nge! Este, Nye! pala. Supervisor nga tawag sa akin ng mga ka-trabaho ko dati, pero wala akong listahan ng mga empleyado dun.

Ay, meron nga pala. Heto silang lahat:

1.) Richelle —– sya ang paborito nating bida sa post na “SM Taytay Scandal” kaya sya ang unang naisip ko. Nang dahil din yata sa kanya dumami ang readers (kapal!) ng blog na to nung nagsisimula pa ako sa wordpress.

2.) Richard —– sya naman ang uh..pano ba introduction ko sa kanya? Uh..Kasama ko sa department, part-time din. Nga pala, ka-batch ko ng orientation to, kaya na-endo na kami pareho. End of contract, sa mga hindi pa nakakaalam.

3.) Raymond —– eto, regular employee na to si Mondster. Mabait at magalang sya, magaling makisama sa ka-department at marunong mag-handle ng customer. Wow, puring-puri ah! Pag nagpunta kayo sa eSeM Taytay, bisitahin nyo sya sa giftwrapping section ng Department Store, at sabihin nyong bibigyan nyo ng commendation. Matutuwa silang lahat.

4.) Jocelyn —– na-mention ko na rin sya sa blog na to, nung naghatid sya ng magandang balita sa post na “Sipaghetti”.

5.) Sino pa ba?

Wala nakong maisip eh, isipin nyo nalang apat lang ang empleyado ng eSeM Taytay, lima kung isasali si sinopaba sa number 5. Uy, pero may mga magagandang sales ladies dyan sa may Children’s Shoes department, kasi naligaw din ako dyan ng ilang araw bago ako ma-endo. Tsaka may crush din ako dating cashier yata yun or checker, kaya lang na-disappoint ako nang makita sya sa labas, yosi girl pala. Tsaka may mga nagsabi sa akin na malibog daw yun kaya payat. Ewan ko nga ba.

Tsaka yung tungkol sa paano daw pumasok sa eSeM? Grabe naman kayo, sumakay kayo ng jeep papuntang eSeM Taytay, bumaba kayo sa tapat, at–tsaran!– ayun, papasok ka nalang. Pa-frisk ka din sa guard. Pero seryoso, kasi alam kong maraming unemployed parin dyan. Mahirap din maging tambay, oo, alam ko. (wtf?) Kaya heto, para sa mga nahihiya at di alam kung san magsisimula:

Pwede kayong mag-walk-in dyan sa may Deparment Store, sa Customer Service, sabihin nyo. Pwedeng magpasa ng application form/letter/resume dyan. Syempre, lagyan nyo din ng cute nyong 2×2 picture. Lagyan nyo ng position na gusto nyo, kasi pag nakakabasa ako ng ipinasang resume eh meron yatang nakalagay na entry na POSITION DESIRED: Gasoline Boy. Astig. Baka guni-guni ko lang yun. Sa file and rank positions may sales clerk (male, female), giftwrapping clerk (m), customer service assistant (f), telephone operator (f), package counter clerk (m), stock clerk (m). Pwede ka naman tawaging supervisor/manager ng mga kasama mo kung palagi kang petiks.

Pag tinawagan/tinext/kinontak ka ng Human Resources ng eSeM, may tatlong interviews kang pagdadaanan, tsaka saka na yung complete requirements pag siguradong mapapasok ka na. May company orientation, trainings bago ka isalang sa labas. Maghanda ka na rin ng pera pang-requirements, kasi marami talaga. Tsaka mas may advantage din ang Iglesia Ni Cristo.

Ayun, yun ang mga huli kong habilin sa inyo.

Para tuloy akong mamamaalam sa mundo nito.

Tags: , , ,

2 Responses to “Kabihasnan”

  1. yhen Says:

    ako nag apply din sa esem…

    pero hindi pa ako ready sa work kaya i decided to decline the offer.. hehehe.

    nwei, infairness sa mga staff ng esem mababait sila lao na sa HR. harhar

  2. gemma Says:

    ..im willing to part of your company.,position sales clerk..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: