2012 Olympic golds kasado na para sa Pinas

by

Talaga? Top searches sa blog ko ngayon ang tungkol sa Olympics at kung anong pinaggagawa ng mga Pinoy para makakuha ng ginto (or any medal, for this case). Para sa inyo, sasabihin kong pwede mo nang isulat sa history ng international sports faring ng Pilipinas ang mga gintong makukuha natin sa susunod na Olympics na gaganapin sa London.

Oo, hindi lang isa kundi MARAMI ang makukuha natin pag sineryoso na ng Pinas ang pagpapadala ng mga atleta. Humanda na silang lahat! Eto ang ilan sa mga magdadala sa atin ng karangalan:

DYESEBEL. Pwedeng-pwede sya sa swimming, at kahit anong water sports. Sa medley at relay events naman ay pwede nyang maging kakampi sina MARINA at isama na rin natin ang rookie na si DYOSA.

CAPTAIN BARBEL. Obviously, sa weightlifting natin sya aasahan. Pwede na rin sa throwing events such as hammer, discus at javelin throw, pati pa sa shot put.

LASTIKMAN. Captain ball natin sya sa basketball, mga kakampi nya ay sina FANTASTIC MAN, GAGAMBOY, KUMANDER BAWANG, Topex Robinson, Alex Crisano, Cris Bolado at Manny Pacquiao.

DARNA. Mawawala ba naman sya sa roster ng athletes natin? Syempre bukod sa pagiging muse ay sya rin ang magka-captain ng basketball at volleyball teams natin sa mga babae. Lagari pa sya sa high jump at long jump. Kailangan ding maisama na ang stone-swallowing sa Olympics, sapagkat napakalaki ng tsansa natin sa sport na ito pag nagkataon.

TIKBALANG. Malabo mang maging official sport ang pananabako ay pwede naman sya sa running events. Speaking of running events, makakasama nya sa team ang mga ASWANG, MULTO SA BALETE DRIVE, at buong angkan ng mga MANANANGGAL na full support din sa Philippine sports development. Pag nabalitaan to ng mga Kenyan, Ethiopian at Jamaican runners ay siguradong manginginig na sila sa takot.

Actually, mahaba pa ang listahan ng athletes na sure-win para sa Pilipinas. Nandyan pa nga ang napakaraming magbo-volunteer na makasali sa Jackstones team ng Pinas. See? Kaya wag tayong mabahala, pasasaa’t-pasasaan ba’y mapapasaatin din ang mga ginto na yan.

By the way, official sport na ang BMX cycling ngayon lang at malamang mag-represent para sa atin yung sikat na champion sa US. Tsaka bagaman hindi pa ifficial sport ang wushu sa Olympics ay may nakapag-uwi pa ng gold galing dito.

Tags: , ,

4 Responses to “2012 Olympic golds kasado na para sa Pinas”

  1. thelostme Says:

    kala ku serious pero masaya…
    you are a true filipino….
    imaginative….πŸ˜€

  2. Aling Baby Says:

    haha! uu nga, kung sila siguro ang maging representante ng pinas…malamang tiba-tiba na talaga tayu sa gold!πŸ˜†

  3. jhemar Says:

    nakalimutan mo si capitan bom at si varga

  4. Patrick Mar-isa Says:

    galining

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: