Lucky 8 sa Olympics 08

by

Panindigan na natin ang pagiging swerte ng numero otso sa Chinese, kasi nag-champion naman sila overall with a total haul of 51 gold medals kumpara sa 36 ng USA (although USA parin ang may pinakamaraming medalyang naiuwi–110 kumpara sa China na may 100). Kaya heto ang walong pinaka-swerte sa edisyong ito ng Olympics:

8.) RP DELEGATION

Nang-aasar bako? Hindi naman. Maituturing ko parin na swerte ang Philippine delegation dahil kahit hindi man tayo nakapag-uwi ng medalya ay maganda naman ang ipinakita ng ating mga atleta. Si Harry Tanamor ng boxing ang hula kong makakasungkit (kung meron man sa kanila) ng medalya ay…well, tinalo sa unang laban nya palang. Pero sina Miguel Molina, Daniel Coakley, Ryan Arabejo, et al ay nakapag-set ng bagong Philippine at ASEAN record at personal bests, kaya yun na talaga ang pinakanaabot ng makakaya nila. Unfair naman kung murahin natin sila eh yun na nga ang pinakamagaling na mga nagawa nila buong buhay nila, diba? Di talaga makakapaghubad sa EDSA si Tim Ang, unrealistic naman kasi ang ginto sa panahong to. Pinaglaway lang yung athletes natin sa 15 million, sana binigay nalang din kung sincere talaga.

7.) Dara Torres ng USA

She set the record last four years nang mag-appear sya sa kanyang pang-apat na Olympics. Ngayon ang fifth na langoy nya carrying the Stars and Stripes on her shoulders, at nakasungkit pa sya ng tatlong silver medals. By the way, 41 years old na si hot mama.

6.) Ricky Rubio ng Spain

He made heads turn nang maglaro sya para sa Spanish basketball team, at hindi lang heads ng nasa stadium kundi ng buong mundo. 17 years old lang sya ngayon, at key point guard na ng talented na Spain quintet. 14 palang sya ay professional na sya. Yes, pare. Kumbaga satin ay nasa PBA na sya katorse palang. Baka naman hindi masyadong magaling, noh? Well, many predict na baka sya ang maging top overall pick sa susunod na NBA Draft. Hehe, astig tong batang to.

5.) Zou Shiming ng China

Ang demigod ng Chinese boxing ay parating na nga. Double world champion sa amateur ranks the last two years, pinatunayan nyang hindi lalampa-lampa ang China pagdating sa basagan ng mukha. Pati si Zhang Xiaoping ay nakakuha din ng ginto sa boxing. Teka, nasaan ang mga Cubans, wala yata silang ginto ngayon uh?

4.) Rafael Nadal ng Spain

Sawa na si Nadal na magtago nalang sa likod ng anino ni Roger Federrer pagdating sa world rankings. Pinakita nya ito nang naglakad sya patungo sa gold medal nang walang kaagaw. Kahit si Federrer, na tinalo lang sa semifinals ni American James Blake. Just after this Olympics, mababasa na nya ang pangalan nya sa unahan ng listahan. Consolation prize nalang ni Federrer ang gold sa doubles.

3.) Usain Bolt ng Jamaica

Ginawang springboard to global stardom ni ‘Lightning’ Bolt ang Beijing Olympics. Naging fastest man sya ngayon nang makuha nya ang tatlong ginto sa 100m, 200m at 4x100m relay ng athletics. Ayun, nahawa buong Jamaican runners sa bilis nya.

2.) LeBron James ng USA

Hindi napahiya si LeBron sa nauna syang sinabing ibabalik nya sa ulit sa tuktok ang Amerika pagdating sa basketball. Hindi nya rin ako pinahiya at hindi nya rin sinayang ang gabi-gabing pagpupuyat ko sa kanonood ng Olympics sa C/S. Si Kobe rin swerte, kasi birthday nya kahapon at late present nya ang gold.

1.) Michael Phelps ng USA

Syempre pa, may mas suswerte pa ba kay Phelps? Para sa kanya yata ang Olympics na to, sa pagpitas nya ng walong gold. (Ewan ko lang kung ilang beses ko mababanggit ang salitang ‘record’ ngayon.) Na-set nya ang record for most golds in a single meet, which is eight. Record na dami ng ginto all-time, which is 14. Plus may dalawang bronze pa sya dati, hiking his total number of medals to 16, na record din all-time. Winasak nya ang record ng Amerikano ding si Mark Spitz (noong 1972 pa na-set) na pitong gold sa isang meet. Pitong world record ang isiniwalat nya habang namimitas nga ng golds, at isang Olympic record pa sa natitirang isang event. Record-breaking talaga.

Tags: , , , ,

3 Responses to “Lucky 8 sa Olympics 08”

  1. kengkay Says:

    mas na update pa ako sa yo sa olympics. galing ng top 8 mo espesyali si hot mama, makasama din kaya ako sa olympic? kahit na taga palakpak lang, hehe

    >>malay natin, may olympics ang pagba-blog, so sama kah talaga dun! kunin moko assistant pagkatapos huh! nyehe!

  2. yhen Says:

    magagaling lng tlg cguro sila… hehehe

  3. rio Says:

    sayang at wala man lang taung nakuhang gold..
    pero at least, nakapagtala naman tau ng new set of records..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: