P8 M na para sa Olympic gold

by

Malabo parin ang chances ng Philippine delegation para makapag-uwi ng gold medal galing sa 2008 Olympics na gaganapin sa Beijing, China. Gayunpaman, lalakas parin lalo ang loob ng ating ipapadalang mga atleta. Umabot na kasi sa walong milyong piso ang perang paglalawayan nilang makuha pag nakasungkit sila ng ginto. Tiba-tiba talaga pag nagkataon.

Ayon sa Republic Act 9164, may dapat na matanggap ang Pinoy Olympic gold medalist na incentives galing sa gobyerno. 5 million para sa gold, 2.5 M sa silver at 1 M para sa bronze medalist. Idagdag pa natin ang tig-isang milyong ibibigay ni business tycoon Lucio Tan at ng Microsoft. Tapos recently ay nangako din si WBC lightweight champion Money Pacquiao ng isang milyon din. Pero pag milagrong more than one gold ang maiuuwi ng Pilipinas ay paghahati-hatian nalang daw yung milyong galing kay PacMan.

So there, P8 M na ang total incentives para sa kauna-unahang official Olympic gold medalist ng Pinas. I emphasized the word ‘official’ because I believe that the Philippines already got a gold, in boxing– courtesy of Mansueto “Onyok” Velasco. I’ve watched that championship fight on tape for a million times now and I always end up with anger in my heart. Everytime single time I think of it. Who wouldn’t be furious?! What I feel is not just sympathy caused by patriotic interest, dahil kahit anong nationality meron ka o gaano ka man kabobo ay malalaman mo kung sino ang totoong umiiskor at ang tunay na nanalo!

Okay, kakalma nako..Inhale..exhale..inhale..exhale.. Okay, balik sa present Olympics. Uy, 08.08.08 na pala ang opening ceremonies. Otso-otso-otso (pano kaya sasayawin yun?). Star-studded pa nga tong Olympics na to. Eto ang ilan sa main attractions this year:

1.) USA Men’s Senior Basketball Team

Syempre naman una sa listahan tong Dream Team 2008 version. Para kang nanonod ng NBA All-Stars. Isipin mo nalang na maglalaro nang sabay sina LEBRON JAMES at KOBE BRYANT. Kasama pa sina CARMELO ANTHONY, DWAYNE WADE, JASON KIDD, DWIGHT HOWARD, CHRIS PAUL, DERON WILLIAMS, MICHAEL REDD, AYSHAUN PRINCE, CHRIS BOSH, CARLOS BOOZER.

2.) Sill in basketball! Other NBA superstars na susubuking pigilin ang pagbalik ng Team USA sa tuktok .

Nandyan na syempre si YAO MING ng host China, Dirk Nowitzki ng Germany, MANU GINOBILI ng Argentina, PAU GASOL ng Spain.

3.) Tennis’ 3 biggest names at present

Widely acclaimed sa tennis while enjoying commercial success off the playing courts. Hindi man isang Grand Slam tournament ang Olympics ay nakataya naman more than anything ang national honor at personal pride. Sino pa nga ba? ROGER FEDERRER ng Switzerland, RAFAEL NADAL ng Spain at ang goddess na si MARIA SHARAPOVA ng Russia.

4.) Balik kay Pacquiao

Yes. No. Yes, kasama si PacMan sa RP delegation, pero no kasi bilang flag-bearer lang ng Pinas. Na-excite ka naman, kala mo lalaban sya sa Olympics?

Abangan nalang natin kung sino (sinu-sino?!) kina Toni Rivero at Tsohmlee Go ng taekwondo, Harry Tanamor ng boxing, Sheila Mae Perez ng diving o Miguel Molina ng swimming ang papalaring magkamit ng jackpot.

Tags: , , , , ,

4 Responses to “P8 M na para sa Olympic gold”

  1. rimewire Says:

    hakhak

    may jackstone ba jan?

    hakhak

    sale ko!

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    >>ako rin sana sasali eh..

  2. yhen Says:

    eeesh… laki ha…

    >>nakita mo na ba? mamboboso! nyehe..joke lang po..

  3. tim ang Says:

    Maghuhubad ako sa EDSA kapag nanalo tayo ng gold medal ngayon. Promise!

    >>kaya nga rin nag-offer ng pagkalaki-laking pabuya ang lahat dahil sa mapait na katotohanang malabo pa talaga ang ginto..

  4. yhen Says:

    hehehe.. dpo ko namboso ha.. lantaran kaya yun kaya walang pambobosong nangyari… hehe

    >>hehe..sabi saken sa forwarded text message na pag ‘hehe’ daw ang tawa ng tao sa text ay ‘malibog’ daw ito..hehe..este haha pala!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: