‘Monthsary’

by

Maaga akong gumising kanina, 9 am. 10 to 11 na kasi ako usually bumabangon para manood ng MYX at replays ng Lost sa Kabarkada network. Naisip kong papakin ang kaning lamig na nag-survive sa paglamon ko kagabi. Hindi ko na iinitin, aksaya pa sa lakas yun eh.

*Lakad, lakad, lakad*

Shete, walang laman. Itinuwad ko na ang kaldero pero wala talaga syang maialay saken sa pagkakataong to. Gusto ko pa naman sanang ulamin yung adobong manok na nasa ref, pero naalala ko wala nga pala akong ref, kaya sa right nalang ako lumingon. Uy– diary ko nakatakas! Hindi naman talaga diary ang tawag ko sa kanya kundi personal planner. Free nung bumili ako ng isang particular issue ng Reader’s Digest dati.

*Buklat, buklat, buklat*

Napaparami na ang diary entries ko tungkol sa blogging ah. Oopsss..Teka..Wow..Sambuwan na pala akong nagba-blog! Akalain mo yun, akala ko rin hindi ko mami-maintain to kasi ningas-kogon ako. Sanlinggo na rin pala akong hindi pa nagpo-post. Pero bottomline ay nakaisang buwan na rin ako. What can I say? Yohoo!

Naalala ko rin. Di tulad ng mga unang monthsaries namin ni boss, tong pagba-blog ko ay medyo tumatak naman kahit papano. Kaya nya siguro ako binibigyan ng sarap-mong-kainn-ng-buhay-pagkatapos-sampal-sampalin na dagger looks dati. Pero in fairness to me, nalulusutan ko naman almost all the time na makakalimot ako. Yung lusot na tipong kikiligin pa tuloy sya dahil parang sinadya ko pa.

Huwaw. Naka-600 hits din pala ako. Kung sa iba pa to ay isang post pa lang ang 600 hits. Di man kasing-bongga ng ibang bloggers na naging institusyon na sa wordpress, at least masasabi kong hindi lang ako ang bumabasa ng sarili kong site. Salamat sa lahat ng mga dumaan at nakiramay nang parang lamay lang to.

Salamat din lalo sa mga nag-comment! Bah, ilang calories din ng energy ang nagagamit pag nagki-click at nagta-type. Tsaka pag-iisipan pa yung kung anong sasabihin saken o sa post ko o sa site ko. Pati sa mga inilagay ako sa blogroll nila. May mga nakiramay sa lovelife ko, na iniisip kong nakasulat na sa notebook ng tadhana na kami talaga ni boss. May mga gustong ma-evict si Richelle sa mundo dahil sa pang-aaway nya saken. May mga nakisama sa pagiging frustrated sports writer ko. Sa frustrations ko sa buhay, sa pagiging non-student ko ngayon. At sa lahat ng bumasa!

Maiiyak ako sa inyong lahat! At mahahalikan ko kayo sa tuwa! Pa-kiss, yung gums-to-gums! Pero seryoso, from the bottom of my heart, thank you! Mahal ko na kayo (char)..

Tags: , , , , , , ,

16 Responses to “‘Monthsary’”

  1. naglalambingnacute Says:

    happy monthsary sayo! sana’y mabusog mo kami😀

    >>chegeh, bubusugin ko kayo..pero treat nyo..nyehe..

  2. tim ang Says:

    congratulations. more months and years to come (showbiz na showbiz).

    >>parang hapi berdi rin..hehe..thanks!

  3. abigail Says:

    wow, go lang ng go!takbo lang ng takbo sa recetrack ng buhay mo,sportscarl!

    >>kaw nga tong parang racetrack eh..coz you got the curves!

  4. eNocH Says:

    congrats dude. and cut the “monthsary” thingy, it’s not cute, really!🙂

    >>oh, churi naman..just used the term really..pero in fairness sa umimbento, apt naman yung word..give it a chance..

  5. rimewire Says:

    hapi mantsari

    hakhak

    andaya, dapat pla ngselebrate den aku nian nung mantsari nmg blag ko

    hakhak

    teka ilang taon ho ba kayo?

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    >>20 pa po ako..kaw?

  6. yhen Says:

    congrats po…

    >>thanks po! mwah!

  7. mj Says:

    woi,, congrats. aha. tinalo mo pa ang may sariling girlfriend!!
    salamat din sa matyagang pagbasa sa mga entries ko. at isa ka lagi kong dinadaanan sa blog path. naks.
    (*_*) cute. cute. cute ng entries mo. galing magsulat!

    >>yun nga eh, parang gusto na rin kitang maging gf! hehe! galing mo din kasi talaga..

  8. geisha Says:

    oi congrats red! ayan 600 +++++ hits na yan! marami ka pang kakaining bigas at itutuwad na kaldero..hehehe kidding!😀

    congrats again! sana ma meet kita one of these days!

    ciao!

    >>talaga..marami pa..di bale, isasaing ko muna yung bigas..

  9. ak0it0 Says:

    oist sakto ang pagdalaw ko merong celebration! happy monthsary po….nasan ang handa?😉

    >>huli ka na daw, bilis naubos ng pasgkain..

  10. mang BADoy Says:

    CONGRATS!!! HAPPY MONTHSARY!!! GALING…..

    >>thanks!

  11. gasti Says:

    congrats carl..ka-buwanan mo na pala…hehe!

    >>yep, first month..kaw, how did yah fare nung first month mo? galeng nyo kasi..

  12. rea Says:

    nag offline message ka pa talaga para lang sa promotion ng blog mo ha..
    hehehe..happy monthsary!yan binati na kita. buti ka pa kaya mo ayusin every now and then ang blog mo ako kasi nawawalan na ng time. keep writing!=)

    >>sshh!

  13. red06 Says:

    happy monthsary! sana magtuloy tuloy pa ang iyong pagsulat..

    yan ha, binati na kita! sana nilabasan ka nyehehe

    cOngrAts!

    >>nilabasan nga..

  14. Padre Salvi Says:

    hapi monthsary.

    kapangalan pa kita. go carl!

    >>yeah, go carL!

  15. ashley Says:

    wow congratz lapT na rin monthsary ng bf qu…

    >>huwaw..congratz din! happy kissing!

  16. Arzie Says:

    uy hon..xenxa d kita na greet nung monthsary(daw) ng blog mo..hehehe
    nagkaproblema kc sa buhay kya di nakavisit dito at pati sa office absent..late na ba para bumati sau?hehe
    anyway..post ka pa ng marami ha..

    >>chegeh, asahan mo ang napakarami pang future posts..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: