Kakainggit..

by

Pasukan na naman. Kakainggit naman kayo. Sa ngayon kasi nag-iipon pako para matustusan ang aking pag-aaral. Ulit. Pero gagawin kong matinding comeback tong second sem na parating. Ilang taon na ba kong nahinto sa pag-aaral ko? Two years na ata. Sheeet.
Kung sino pa kasing gustung-gustung-gustong mag-aral ay sya pa yung pinaparusahan ng tadhana. Yung may pwedeng ibuga sa school at magkaroon ng silbi sa lipunan. May galit ata saken ang mundo. Okey lang, galit din naman ako sa kanya.
Kasi imbes yung marami dyan wala namang interes sa pagbuklat ng libro, sila pa yung maraming pagkakataon. Baon lang naman habol nila ah! Eh ako? Knowledge! At .. baon, syempre.
At least ngayon alam ko na na hindi lahat ng PUMAPASA SA UPCAT ay nagsa-succeed sa buhay. Or even nakakatuloy ng pasok sa UP. Or even yung mga nakapasok talaga, hindi naman lahat mayaman ngayon.
Simple lang naman gusto ko eh, maging totoong sportswriter lang. Or basta journalist, sa tingin ko well-rounded naman ako sa journalism. Tanungin mo pa lahat ng may alam tungkol dito. Kahit wag na yung maging mayamang-mayaman, okey na saken.
Hindi naman ako yung nerdy type. Nung elementary siguro, kasi may kakumpetensya ako sa first honors. Si Cindy. Pero mula nung hindi na kami naging mag-classmate, la nakong interes sa honor roll. La nang challenge. Kasi kahit sa high school hindi naman ako yung nag-graduate na valedictorian pero ako naman yung unang nililingon ng lahat pag may contests. Pina-edit nga saken ng English teacher namin yung valedictory address ni Mark eh.
Ah, basta, galit ako sa mundo dahil hindi pako nakapasok sa school ngayong sem na to! Di sana nagba-blog nako nang tungkol sa first day of school, mga bagong instructors at classmates. Eto tuloy at puro mga kabobohan ng co-employees ko ang naaalala ko ngayon. Mga usapan nila nakakatae. Eto, sample:
RICHARD: (closing remarks nya sa customer) So, mam, balik po kayo after (wow, pronounce oh!) want man para ma-claim nyo po yung fermanent (yay, nasobrahan) card nyo after wan mant (oo, sinabi mo na yan ngayun-ngayon lang).
CUSTOMER: (tumango). (paalis na). *lakad, lakad, lakad*
RICHARD: So mam, after wan mant po ha. (mas makulit sya sa personal)
CUSTOMER: Okey. (tumalikod ulit)
RICHARD: So mam, bring wan balid aydi lang po, after wan mant. (wtf?!)
CUSTOMER: Ah, sabi ko na eh, akala ko nakalimutan mo lang (nakalimutan nga eh!)
RICHARD: Tsaka yung temporary card po, pakidala nalang. After wan mant. (pamatay!)
Tawa ako nang tawa sa loob-loob ko, pero hindi ko na ipinagkalat kasi naisip ko araw-araw naman nangyayari yun. Guess what? May nakita syang isa pang customer na dumaan, tapos biglang nag-open ng topic sa amin.
RICHARD: Pare, Intsik yata yun oh! Sayang, cute pa naman. (bakit sayang?)
PAOLO: (binatukan si Richard) Tanginang to, tanga talaga. Chinese kaya yun! (omg)
IAN: Hindi yun, Koreana yun eh. (at last tumama din)
RICHARD: (nag-isip ng malalim). Yung katabi ng Japan, kaya mga singkit kasi..Hindi pala. Sila pala yung binomba dati ng Tokyo.
IAN: (ang lakas ng tawa) Puta. Haha! Tsugiyama!
………..
Sa puntong ito ay lumayo nako, hindi ko na kinaya ang usapan nila.

Tags: , ,

5 Responses to “Kakainggit..”

  1. eljea Says:

    Opssy.. ngangels oi…. maovah? gud luck nalng huh… nce din coz you’ve shared your life perhaps we’re not the same, me? there are many opportunities that i wasted and let go…. Shocks?!
    gUd luck mem….

    >>nahilo ako dun uh!

  2. mang BADoy Says:

    tuloy mo lang bata ako din bago sa wordpress… its my 12th day palang… sige x-link tayo add moko sa links m pra makita ako sa blogroll mo … ill do the same…

    thanks! salamat sa pagdaan.. tuloy tuloy lang ang pagbabasa!

    >>salamat sa link..it would greatly help, knowing that people see you as a very good and influential blogger..

  3. gasti Says:

    ang adik naman makipag usap ng co employees mo..layo ka ng onti baka mahawa ka.

    sana makabalik ka sa pag aaral..aasenso ka rin balang araw.

    >>aasenso din..uh..kaw daw mag-i-sponsor ng scholarship koh? nyehe!

  4. mumu sa kanto Says:

    yea i know the feeling, hmm nagkaron ako ng idea sa next blog ko, nyahaha special mention kita dunwuri. ako rin inggit sa mga nagsstudy and nagbablog abt sa school life, workin mode din ako , although 20 pa lang akech, ouchie. anyways, mas marami naman tayong datung sa kanila, nyahaha.. xD

    >>san mo plano mag-skul next? or may plans pa bah?

  5. rimewire Says:

    ui buti pa sia nkapasa ng upcat, alam u ba bumagsak aku jan dhil s math, kya aun, engineering kurs ko, ayronik

    hakhak

    ui hisports rayter/sornalis

    hakhak

    welkam tu da klab

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    >>club pala to? naku, lalabas ako! baka makakita ako ng nude people! hehe..salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: