welcome to my life..

by

hi!
ilang linggo ko na rin ginustong magkaroon ng sariling blog site, isang sulok ng cyberspace na kung saan ay mailalathala ko ang aking samu’t-saring nararamdaman, mga opinyon at kung anu-ano pang kachurvahan. of course not, hindi ako bakla. nakigamit lang po ng term, kasi para sa henerasyong to, yun ang “in”. shete. san ba galing yan? parang pinulot lang sa kung san, halatang di pinag-isipan.
anyway.
medyo mas mahirap para sakin tong magsulat in filipino. again, mas nasanay lang kasi akong magsulat in english (kahit di magaling). dati naging associate editor ako ng college publication(pinakabata yata, on my freshman year), editor-in-chief(kuno) ng high school paper at sportswriter mula pa elementary. nakapag-compete na rin ako sa marami-rami na ring national at regional contests on sportswriting, general journalism, battle of the brains kuno, history quizzes at kung anu-ano pang pwedeng salihan. malikot kasi ako dati (actually hanggang ngayon).
pero baka isipin mo nerd ako na naka-glasses effect pa ha. kasi hindi. athletic nga ako eh. halos araw-araw basketball (nangingitim nako), tsaka dati naging player din naman ako ng volleyball, chess, basketball(ulit). superman na ito.
superman? hindi siguro. wala nga akong naging specialty talaga eh, may konti ngang alam sa iba’t-ibang bagay, pero hindi naman matatawag na expert. pero sige, dahil nag-hint si vhan na baka hindi ako mediocre, go on tayo. at least may nagko-comment dito sa blog ko, nang malaman ko naman kung may nagbabasa. kaw, comment ka naman! (naririnig mo ba, charlotte?)
buti nalang naka-chat ko isa kong reader ko, si charlotte. ang magandang cute na si charlotte. sabi nya magko-comment na daw sya. abangan natin. eh di ibig sabihin dalawa na readers ko! nyehe! di kasi malalaman dito kung iilan ba talaga bumibisita sa site ko.
kaya sige, hanggang sa susunod na pahina ng buhay ko. (mag-comment kayo!)

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: