reality fever (na naman)..

by

katatapos lang ng pinoy big brother teen edition 2, na agad namang sinundan ng pinoy dream academy season 2. sa mga kapuso, meron namang pinoy idol at survivor philippines. teka, diba sabi ko hindi ako nanonood ng dos at siyete? hindi nga.
wala naman kasi talaga akong particular na tv station, nasa kung anu-anong shows naka-depende yun. and majority of the shows na pinapanood ko ay nasa studio 23 at c/s (rpn-9). tapos nanay ko hardcore kapamilya fan eversince, so kahit papano pinae-experience ko naman sa kanila yung feeling na may hawak ng remote control. mabait ako eh.
pero mabalik tayo sa reality shows:
american idol
it has grown to be a mega-hit franchise not just in the US but also all over the world. kaya nga may philippine idol din dati, to which i was kind of disappointed na si mau marcelo ang nanalo. sumugal sila masyado sa talent nya hoping na magaya ito kay whitney houston, pero ang nakaligtaan nila ay isang extreme rarity si whitney. one in a million. one in a trillion. sure, american idol has also produced fantasia. star in a million 2 had frenchie dy winning. but hey, san na sila ngayon? you sure saw the similarity among the three (or four, including whitney) matataba sila. talent-wise, no question– they all have powerful, moving voices. yun nga lang, mahirap ibenta sa masa. siguro ito na ang chance ng philippine idol na maituwid ang pagkakamali nito– through pinoy idol.
survivor
fan ako ng survivor(parvati! amanda!). yung mga kano ang contestants at dun sa napiling lugar iso-shoot. si jeff probst ang host. magaling kasi sila sa impromptu at sa pagpapalabas ng iba-ibang anggulo ng drama. pero in fairness kay paolo bediones, he has also proved himself especially sa challenge shows locally. pero ibinigay ng survivor ang franchise, so i still look forward to watching the show.
pinoy dream academy
kung nasimlan ko lang yung season 1 dati, malamang na-hook ako. excellent ang pagkakapili ng contestants. as in lahat may pwedeng ibuga– talent coupled with good looks, plus the personalities(rosita?). mula sa l, a, hanggang sa h, a at t.
it would have been a wide-open race, if not for the dreamer from rizal.
if not for yeng constantino.
the contest was destined to be her springboard to superstardom. entrance nya pa lang may arrive na(alam mo yun?!). she has that sweet, charismatic cutie face. those infectious smiles. the rocker-chick-bokalista-ng-banda porma at style. the gestures and stage presence. the humble beginnings, resulting to her admirable attitude.
and more importantly, baon nya ang ki-nompose na kantang hawak kamay. dala-dala ang gitara, hinarana nya ang sambayanan partikular na ang kabataang pinoy, tungo sa tagumpay bilang grand star dreamer. sya yung performer na simula palang ay alam mo nang ilalampaso ang kompetisyon. sya si avril lavigne ng pilipinas.
season 2?
na-disappoint ako nung hindi ko nakita si consuelo na pumapasok ng academy. i see her as the second coming of juris fernandez (ng mymp!). but i do, still hope na she’ll enter after she gets to rest that cyst. sa ngayon, pagti-tyagaan ko munang panoorin si cris at ang kanyang katawannn. it’s getting hot in here, gotta go.

Tags: , , , , , , , , ,

One Response to “reality fever (na naman)..”

  1. carL Says:

    hollywoodtuna.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: