Kahit pa ikukwento ko to, sana wag masyadong kumalat. Nangyari to nung first week ko sa work. Hindi paman nagbubukas ang SM City Taytay ay nag-open na kami ng damdamin para sa isa’t-isa. Gusto ko sanang ibaon sa limot ang nangyari, kasi nakakahiya, pero may mga nakahuli samen at malamang ay ikalat din nila yun.
Yung bidang babae sa scandal na to ay si RICHELLE. Kung physical beauty lang ang pag-uusapan, sya ay LIWANAG sa dilim. Maputi, kutis labanos. May katangkaran din. Sexy. Marunong manamit nang ayon sa katawan nya. Oozing with sex appeal. Sa madaling salita, palung-palo.
FIRST SCENE
First week ko nga nun sa trabaho, syempre hangga’t maaari ayaw pa naming gumawa ng kalokohan. Tumambay kami ng mga kagaya kong lalaking part-timers sa hallway papuntang selling area ng Department Store. Dun ko unang nasilayan si Richelle. Shete, parang nakakita ako ng anghel nang mapadaan sya kasama ng mga ka-department nya. Tatambay din pala sila dun mismo sa may kinauupuan namin.
She broke the ice. “Kanina pa kami nakatayo dito, wala man lang bang gentleman dito?” Medyo mataray pa yung pagkakasabi nya samen. Tama nga naman, naisip ko. Kanina ko pa din kasi gustong tumayo para paupuin sila, kaso kahit tumayo kaming lahat ay kukulangin parin ng upuan para sa kanila. Pero sige, tumayo na rin kami at sila naman ang naupo.
Maya-maya bumanat ako ng isa para sa kanila, hoping it will jumpstart a conversation at possible friendship. Parang game din kasi sila at nagbiro pa kanina, so I returned the favor. “Kanina pa kami nakatayo dito kaya..pakandong naman oh!”
Ngumiti yung iba nyang mga kasama, na-gets yung joke ko. Tapos tumayo bigla si Richelle, sa isip-isip ko siguro magjo-joke ulit.
ETO NA YUN–YUNG SCANDAL!
Ngumiti din sya ng bahagya. Tsaka NAGSISIGAW! “OH SIGE, IKAW NALANG MAUPO, BASTOS KAH! BOYFRIEND KO NGA HINDI AKO BINABASTOS NG GANYAN, IKAW PA?!” Natahimik ang buong paligid at tila sya lang ang gumagalaw at pinapanood at pinakikinggan ng lahat.
Nakngjueteng.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na pinagsasabi nya. Hindi ko alam pero parang pitong beses nya yata akong minura sa harap ng maraming empleyado rin ng SM Taytay. Napahiya ako, pero okey lang siguro. Sya ang inaalala ko, mas pinapahiya nya ang sarili nya. Nag-iskandalo sya agad nang ganun-ganon nalang. Ano ba namang nakakabastos na salita ang sinabi ko sa kanya para mag-react sya ng ganun?!
LESSON LEARNED
Hindi pala sa lahat ng panahon magandang maging friendly. Sinumbong nya ko sa manager ko, at pinagharap kami para ulitin ko yung apology ko na hindi nya daw narinig nung nagsisigaw sya. Hindi ko na pinagtanggol ang sarili ko, dapat nga sinabi ko na hindi sya professional at ganun sya ka-OA sa mga situations na ganun. Pano nalang kung nasa duty na sya, gaganunin nya ang customer?
Alam ko maraming pwedeng maging dahilan, sabi nya nga hindi daw naman kami close para mag-joke ako ng ganun. Eh pano kami magiging close kung hindi kami mag-iimikan? Okay, I get it. She doesn’t talk to strangers. Ipinagpalagay ko nalang na ganun. Baka meron lang din sya nun, sabi ng mga ka-department ko. Mataray daw talaga sya at iniiwasan din nila.
Ngayon alam ko na.
Yun ang scandal, na nangyari sa swerteng-swerteng first week ko. Ngayon, alam mo na din.
Mga Marka: first week, richelle, scandal, sm, sm taytay, work
Hulyo 2, 2008 bandang 9:23 umaga |
grabe naman yang richelle na yan! tama,baka nga meron xa nun! sana niromansa mo nalang! haha
>>madugo yun!
Hulyo 2, 2008 bandang 9:24 umaga |
akala ko kung anong scandal na pinakaba mo ako dun uh
>>ako rin kinabahan eh! nyehe..iskandalo lang sa una kong trabaho..
Hulyo 2, 2008 bandang 9:26 umaga |
ano ba yun scandal daw wala namang laplapan hihingi sana ako ng video
>>toinkz!
Hulyo 2, 2008 bandang 10:31 umaga |
kala q kung anoh nah…kw bah tlagah gumwa nian oki ah my kwento……hehe
>>di ko na ide-delete to..sayang, comment din..yung spams nalang ide-delete ko..sensya!
Hulyo 2, 2008 bandang 10:32 umaga |
kala q kung anoh nah…kw bah tlagah gumwa nian okie ah my kwento……hehe
>>tsempre naman poh..bawal mangopya ng papel ng iba..
Hulyo 2, 2008 bandang 4:10 hapon |
huwaw, ang o.a. naman nun! mumultuhin ko yun mamaya makikita nia. aanhin ang byuti kung ang bibig puno ng kiti-kiti =))
>>huwaw, parang kasabihan lang talaga yun uh! “aanhin ang byuti kung ang bibig puno ng kitikiti”..tatandaan ko yan!
Hulyo 4, 2008 bandang 8:11 umaga |
ang OA ng babaeng yan! alam mo na # ng richelle na yan? hehe!
>>oo! 09214524404..nyehe, loko lang..# ko yan!
Hulyo 4, 2008 bandang 1:33 hapon |
may wordpress kna pala kaya wla ng friendster blog hahaha…wla naman…just hapened to pass by and checked ur blog,,hmm…sana di siya nagbiro if ayaw niyang ma joke db?hehehe ako kc mag rereact lang cguru ng ganun if wala akong imik tapos biglang sasabihan ako ng ganun,pero sa case niya,nauna clang nagparinig db?hahaha…wla naman…prang kung di mo lang alam ang totoo eh tila ba siya ang nagpapakita ng motive,,=)
>>right on the money, honey!
Hulyo 4, 2008 bandang 2:03 hapon |
hi am here!
>>ako rin, I’m here! nyehe!
Hulyo 5, 2008 bandang 8:46 umaga |
attention catcher ang title mo.. effective! nasabik ako!
>>ako nga naglaway sa title eh..hehe..thanks..
Hulyo 6, 2008 bandang 10:05 umaga |
hahaha akala ko sex scandal….scandal nga tlga as in ISKANDALO…wla k naman ginawang masama…OA lng tlaga cia magreact..
>>yep, iskandalo nga..salamat at sa tingin mo ay wala akong ginawang masama..lahat ng mga nakausap ko, kahit friends nya, sabi mataray daw talaga sya..
Hulyo 7, 2008 bandang 5:49 hapon |
hmpf, akala ko pa naman may video, hahaha.kahit anong explanation, bastos ang bunganga nung babaeng yon. medyo may pagka OA pa, at ang pinaka— wala syang sense of humor. kawawa naman BF nun.
>>video? hehe..may mga gurls din pala na excited sa scandal noh? hehe..
Hulyo 15, 2008 bandang 12:42 umaga |
wAhaa! lufhet bOi.. kala koh kung anOh.. aZtig ahh.. kainiZ ung ghurL! feeLing xa huh.. tOinkZ! niCe one..
>>wahaa! lufhet bah gurl? (talsik laway ko dun uh!)..yeah, feeling xa! invite ko nga yun minsan sa site na to..
Oktubre 18, 2008 bandang 4:49 umaga |
hay ano ba yang girl mukhang mahlig… wala nmn bastos sa sinabi mo dude and dapat di ka nag sorry. Kahit i jumble mo ung word wala ka mabubuo na bastos or something.
Feeling ung girls baka kamukha ni patani na pinaputi wahahaha….
Pero mali ung attitude ng girl… lumalabas lang kung sino ang bastos if you know what I mean.
Enero 26, 2009 bandang 5:02 hapon |
aztig mga tronans aztig rin ang mga palbas or kwento hehehe!!!!
Enero 26, 2009 bandang 5:03 hapon |
Michael Regaspi
Enero 26, 2009 bandang 5:06 hapon |
Medyo maganda rin…..maling mali talaga ung gul!!!! pero aus na rin hehehe!!!!!
Enero 26, 2009 bandang 5:08 hapon |
RICHELLE ayos yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!hehehe
wapakels!!!!!!
Pebrero 18, 2009 bandang 5:33 hapon |
alam mo bulok ka kasi eh..ang panget ng diskarte mo makipag kilala..kahit yata bakla hindi kakagat sa banat mo eh? corny..
Pebrero 25, 2009 bandang 8:24 umaga |
taena d uubra sakin ung ganun pare, kung ako sa kinalalagyan mo mlamang sinagot sagot ko ung babaeng un, taena OA ung eskandalosa..dapat yun hinalikan m n rin sa maraming tao…PEACE
Marso 3, 2009 bandang 6:42 hapon |
Leave a Reply
Abril 6, 2009 bandang 10:42 umaga |
mashado ngang scandalosa yung babae… pero ikaw naman, wag kasing feeling close… kung gusto mo mong makipagkaibigan, wag sa ganong paraan… sa mga matataas ang pinagaralan..bastos talaga yung ginawa mo…
Abril 11, 2009 bandang 4:41 umaga |
ehehehe… uneventful siguro ang buhay nirivhelle that’s why when she had the opporutnity tobe a star she totally grabbed it.
Abril 18, 2009 bandang 12:18 umaga |
baka may crush lng syo un pre. alam mo nmn mga babae minsan iba iba paraan ng pagpapapansin. dapat pre binanatan mo ng… “Ba’t ka nagagalit?? Eh sa ayoko na nga eh! Break na tayo!!!” pahiya un, malamang magresign pa un! bwahahahahha! swerte lng sya at mabait nakatapat nya. kung skin un baka kinurot at sinabunutan ko sya sa public! imbyerna sya! Nyahahaha (baklang bakla amf!) lols
Abril 23, 2009 bandang 9:27 umaga |
wow.. I find u smart then nag-sales man k lng??
why not apply in the call centers..
well, ano pa ba inaasahan mo.. xmpre squatter un girl that’s why she acted that way.. and it’s nice to know na hindi mo sya pinatulan..
Mayo 22, 2009 bandang 11:51 umaga |
hahahaha….no comment…!!!!!!!!!!!!!!!
Hunyo 15, 2009 bandang 12:19 hapon |
hi.. nakaka-chat na kita dati kaso di mo na ata ako naaalala. hmmm..ayus to a! lam mo kase may mga babaeng nasobrahan sa asim kaya nagmamaasim. masyadong nalulula porke’t maganda sila. akala nila, porke’t babae sila, dapat pinagbibigyan.
dapat sa mga ganyan, ILIBING NG BUHAY. BUWAKANANGINANG IYAN!
hehehe… kakainis kasi ang mga ganyang babae. maxadong ma-ere. akala nila, sila lang ang babae at umiikot ang mundo sa kanila. NAKNAMPUCH!
IBA TALAGA SA BANSA NATIN. WALANG GOOD SAMARITAN LAW.
Hunyo 16, 2009 bandang 9:04 umaga |
ito pala yong sinasabi nilang scandal mo. magaling angpagkakasulat! go urs!
Hulyo 18, 2009 bandang 5:47 umaga |
astig din to hah!
Hulyo 20, 2009 bandang 1:01 hapon |
dis s a gud article.
Setyembre 2, 2009 bandang 12:06 hapon |
g
Setyembre 2, 2009 bandang 12:07 hapon |
yes
Oktubre 5, 2009 bandang 6:54 umaga |
Pare, may mali ka rin. Lessons Learned: Hindi iisa ang icebreaker to all kinds of people. Kung baga hindi applicable ang One size fits all. ok? Konti pang social interaction lessons. Wag masamain. XD
Oktubre 5, 2009 bandang 7:15 umaga |
Oo nga,carl. Maganda ang comment ni Riff Raff,at hindi nga dapat masamain. Magaling ka naman magsulat ii!
Oktubre 19, 2009 bandang 8:39 hapon |
ohw c’mon.. if ganun tlga ung reaction nung girl as u described..well she OA’d.. pero u’v done well apologizing to her kasi u started it naman.. tama nga na di lahat ng tao ay pedeng mabiro in anytime..
Oktubre 19, 2009 bandang 8:40 hapon |
ahw alien avatar ko XD =P
Oktubre 28, 2009 bandang 10:54 umaga |
hmmm…tgnan mo rin ung syd n gurl.xmpre hndi s lahat ng pgkakataon nsskyan ang biro at hndi rin s lahat ng pgkktaon nsa mood ang tao pra mkisakay s biro.hahaha gulo noh.npka unprofesional nya kng ngscandal xa dhil pwede k nmn nya kauspin ng hndi xa nghuhurumentado at ikw nmn dapt alm mo kung ano b ung mga joke n nka2ofnd at hndi.pis!sna ok n kau as co-workers.hehehe
Oktubre 28, 2009 bandang 12:37 hapon |
“sna ok n kau as co-workers”
after a year! XD
(grabe nosebleed ako sa site na to..napaka lalim ng wika, atleast for me =[ hehe)