Saan nagpunta ang mga prof ng URS?

June 16, 2009 by snobero23
sino kaya iniisip ko?

sino kaya iniisip ko?

ISANG SCHOOLMATE: (hinihingal habang tumatakbo papunta sa akin)

Pare, one week pa daw ganito– walang pumapasok na prof!

AKO: Shete. (yun lang nasabi ko)

Pasyensya na sa mga hindi makaka-relate, but I just felt like getting this off my chest. Syempre alam mo naman yung feeling na virgin ka pa sa kung anong tungkol sa paaralan at pag-aaral. Excited ka nung hinatid ka ni nanay mo sa isang day care center/preparatory/elementary school. At the same time, natakot ka sa seatmate mong dati’y inakala mong anak ng mag-asawang unggoy at kwago. Tapos maya-maya lang bigla ka namang kinabahan na malaman nilang lahat na tumae ka sa bagong bili mong underwear.

Teka, bakit ko nga ba pinagkukwento tong mga to? Hindi based on personal experience to huh! Pero bago bumaho dito, tatapusin ko na ang pasakalye at tumataas ang babayaran ko sa computer rental.

Dati takot akgn baka iwan ni nanay mo sa school, ngayon…well, kapit-tuko ka pa rin. Magkabuhol-buhol man yung mga emotions, excitement pa rin talaga yung nagningibabaw. Nung high school ka, dumoble yung excitement. Nang college ka na, triple na yun! Very much anticipated kasi yung first day ng college life, kailangang pogi/maganda ka dahil alam mong may mga cute kang makakabungguan. Pero paano pag sa limang subject mong schedule eh isang prof lang ang sumipot?

pare, pa-kiss!

pare, pa-kiss!

Ewan ko sa’yo, pero yung classmates ko hindi nasiyahan syempre. Kesyo sayang daw yung porma nila pati yung ibinayad nilang tuition. Yung iba nagsi-uwian kahit may ilang subject pang natitira at malay nila baka may pumasok pa. At meron ngang isa, si Mr. Navarro na ang gusto sa estudyante ay mabait, masipag– at medyo bastos. Ayos na rin, medyo solb na rin kami at umasang hindi na kami iindyanin ng mga instructors ng University of Rizal System (Rodriguez branch). Halos lahat naman kami ay biglang nagising nalang isang araw na BS Community Development na pala course namin, eh tagay na yung sunod na nangyari. Sa tapat pa ng school, tapos isaw pulutan namin! Tapos nagwaldas kami ng pera sa Robinson’s kasama ang ilang kaklaseng hindi nasindak sa “speak to me in english” tag na naka-pin sa strap ng bag ko.

Nga pala, iced tea lang yung tinagay namin! Nyaha!

inuman sa first week, pre!

inuman sa first week, pre!

BATIAN PORTION

Tama, dapat siguro may batian portion tong blog na to, kasi binabati ko sina Donna, Joyce, Jeca, Rap, Benj,Shiela, Joy, Mariel, Shane, Johanna, Janell, Mary Joy, Jessa, Rocel ng CSWCD. (Kaway kayo sa camera, bilis!)

labing-labing sila oh!

labing-labing sila oh!

RP 5 should kick ass big time in SEABA

June 6, 2009 by snobero23

Para ma-develop ang chemistry ng Philippine basketball team, sasali ito sa gaganaping SEABA tournament ngayon (June 6-9) sa Medan, Indonesia. Pawang mahihinang teams ang kasali sa tournament na ito (Indonesia, Malaysia, Thailand) na normally ay nilalampaso lang ng amateur players natin sa SEA Games. Lalo na ngayong may idinagdag pa sa RP team na 6-foot-10 giant galing pa sa isang elite school sa US NCAA.

(Yun nga lang, ayon sa pinakahuling balita ay hindi pa sya maglalaro sa tournament na to. Pati sina Kelly Williams, Sonny Thoss at Jayjay Helterbrand ay hindi pa din makakapaglaro dahil sa injuries.)

Sa isip-isip ko, hindi naman talaga kagandahan tong move na to, yung all-pro team ang ipadala natin para sa isang pipitsuging tournament. For one, mai-scout pa tayo ng ibang mga bansa na makakalaban natin sa future tournaments na mas may halaga. Tapos magiging complacent pa yung players natin dahil baka isipin nilang kayang-kaya na nila. Mas maganda sana kung sa amateur cagers natin ibigay tong SEABA.

But on a closer observation, makikita nating napipilitan lang yata sina coach Yeng Guiao at mga bata nya. Malakas na tong team na nabuo natin ngayon, pero hindi pa nasusubukan. Kaya naman kailangang-kailangan nila ng international exposure. Batid ni Guiao na hindi sapat yung PBA selections lang at ilang imports ang nakalaban ng team. Tsaka yung amateur team coached by Rajko Toroman ay kagagaling lang din sa isa pang international competitions (FIBA Asia Champions Cup).

Ito ang official lineup ng PowerAde Team Pilipinas:

Asi Taulava        —– Coca-Cola Tigers    (team co-captain)

Mick Pennisi     —— San Miguel Beermen

Ranidel de Ocampo   —–Talk N Text Tropang Texters

Kerby Raymundo   —–  Purefoods TJ Giants   (team co-captain)

Arwind Santos    ——  Burger King Whoppers

Jared Dillinger   ——  Talk N Text Tropang Texters

Gabe Norwood   ——-  Rain or Shine Elasto Painters

James Yap   ——  Purefoods TJ Giants

Cyrus Baguio   —–  Bgy. Ginebra Kings

Willie Miller   ——  Alaska Aces

Ryan Reyes   ——  Sta. Lucia Realtors

Ito naman ang ibang di pa lalaro ngayon:

Japeth Aguilar   —– (Western Kentucky University)

Kelly Williams   —–  Sta. Lucia Realtors

Sonny Thoss    ——  Alaska Aces

Jayjay Helterbrand —– Bgy. Ginebra Kings

Sa pagdating ni Japeth Aguilar, nadagdagan pa tayo ng height na napaka-importante for international competitions. Bale dalawa na rin ang players natin na galing sa Division 1 schools sa Amerika. Yung isa pa ay si Gabe Norwood na galing ng George Mason University. Nga pala, monster blocker ng Ateneo dati yang si Aguilar (2004, freshman pa sya nun), bago sya nagdesisyong hanapin sa US soils ang pagkakataong maging unang Pinoy player sa NBA. Anak sya ng ex-PBA player, at sana’y pumasok din sya ng PBA.

No doubt, ito na ang pinaka-athletic na RP team ever. Nabawasan nga lang tayo ng shooters sa pagkawala nina Jimmy Alapag, Dondon Hontiveros at Renren Ritualo. Medyo nawalan din tayo ng one-on-one offensive options tulad nina Danny Seigle at Mark Caguioa na parehong injured ngayon kaya lalo nating kailangan ng ball movement at teamwork.

Tunog-Kano na rin tayo lalo, pero wala naman akong nakikitang mali dito. Ano ngayon kung Williams, Miller at Helterbrand ang nababasa natin imbes na Santos, de Ocampo at Reyes? Ayos lang kung madagdagan man tayo ng height, skills at ilong. Ayos lang yan, basta ba totoong may dugo at pusong Pinoy sila para ipaglaban at itayo ang bandila ng Pilipinas.

Bow.

Hayden Camera vs Katrina

May 29, 2009 by snobero23

Round 1, fight!

Ilang linggo na ang nakakaraan pero lalo pang umiinit ang iskandalong ginawa ng Hayden Camera. Sa unang pagkakataon pagkatapos pumutok ng scandal ay nagharap sina Hayden Kho Jr. at Katrina Halili. Maraming naki-usyoso: may tumili, may nagalit at nambuhos ng tubig.

Sa mga unang segundo pa lang ng laban ay nagulat agad ang lahat. Oo nga pala, pwera kay Hayden. Inubos ni Pagsanjan ex-mayor Abner Afuang ang isang bote nya ng mineral water para paliguan si Dok. Nagmukha nga namang hindi gulat si Hayden habang binubuhos ni Afuang ang malamig nyang galit dito. Kaya naman naghinala si Senador Bong Revilla na baka daw scripted lang yun para magpaawa sya sa publiko. Teka, teka! Hindi ba alam ni Afuang na maraming hindi nakakainom ng malinis na tubig?! Hehe, loko lang. Nakakatawa lang kasi sya dahil may anak syang babae pero pinapanood nya parin yung mga sex video scandals na ganun. Parang hindi magandang pakinggan na tinatangkilik nya ang cyber kalaswaan, tapos sa edad nya pang yun.

Nang magsalita na ang dalawang bida, nagkalabasan na ng baraha. What time is it? Laglagan na!! Maraming shocking revelations sa pagputak nila. Marami palang alas na hinahawakan si Hayden laban kay Katrina. Tulad nalang ng diumano’y pagtutulak sa kanya nito ng ecstacy. Naging highlight pa yung pag-aaya daw ni Katrina sa kanya sa isang hotel, na nang dumating daw si Dok sa kwarto ay naka-two piece at towel lang si babae. At nasa kalagitnaan ng paggamit ng droga kasama ang ilan pang katao.

Wala namang itinanggi si Katrina, kaya I’m assuming na totoo ang mga sinabi ni Hayden. Lyamado naman talaga si Katrina sa laban, pero sa ngayon ay masasasabi kong nanalo si Hayden sa unang round. Natawag ni Katrina na “hayop” at “makapal ang mukha” si Dok, pero mas maraming nakuhang puntos si Hayden. Nakapagsiwalat si lalaki ng mga kwentong pabor sa kanya, na nagpamukhang malandi at drug pusher sa kalaban. Mainit din daw sa loob ng korte, kaya nakatulong ang tubig na binuhos sa kanya ni Afuang. At ang pinaka-importante sa lahat, madadagdagan pa yata ang mga nakiki-simpatya sa kanya ngayon.

Maganda ang gameplan ni Hayden, umaayon sa kanya ang mga sitwasyon. Pagkalabas nya ng korte ay may mga babaeng nagtilian na tila kinikilig na makita sya. At kahit talagang scripted yung pagbuhos ng tubig, marami pa ring maaawa sa kanya dahil sa patuloy nyang pagpapababang-loob at paghingi nya ng tawad.

Hindi ko pa pinapanood yung talagang sex video nila, hindi dahil sa wala akong balak. Ang napanood ko pa lang ay yung sa commercial model na mukha pa namang mahinhin pero paspasera pala. Habang tinititigan ko si Katrina sa malalagkit na pahina ng FHM, nagiging curious din ako kung paano sya gumalaw sa kama. Ayos lang naman na humayo at magpakarami. Ayos nga lang din na mag-record ng sexual escapades. Basta ba nagpaalam ka at pinayagan ng partner mo, at higit sa lahat wag sanang kumalat.

At please, sana wala nang lalaking kumanta at sumayaw ng Careless Whisper.

Ako’y likod, hula ko

May 9, 2009 by snobero23

Hello, blogosphere! First time in a long time ko ulit mag-post. Kakapanibago, lalo’t may mga nagbago rin dito sa wordpress. Matagal-tagal din akong nawala sa sirkulasyon at hindi nakaimik sa gitna ng maraming mga pangyayari. Pero ang mahalaga, heto ulit ako at pinipilit paandarin ulit ang sportsCARL. Pasensya na, medyo kinakalawang pa.

Hindi ko sasabihing sinadya kong maglaho bigla, tulad ng halos lahat ng bloggers. Parang isang phase na talaga sya ng bloglife (imbento ko lang tong word na to!). Hiatus ang paborito nilang word para rito, yung tipong bigla kang nakikipag-break sa syota mo at ang sasabihin mong dahilan: hahanapin mo lang muna ang sarili mo.

Sa totoo lang, may ibang mga dahilan talaga. Pwedeng nawalan ka ng pantustos sa blogging, kasi nga hindi ka naman kumikita sa sponsored sites. Pwede ring nawalan ka ng inspirasyon sa pagsusulat. Or may panahon lang talaga na wala kang mapiga sa utak mo. Or, as most bloggers put it: tinatamad lang. Sa kaso ko, nangyari lahat to.

Yun nga lang, hindi laging nakakatuwa yung jindi ka nakakapagsulat kahit na may papel at ballpen ka na sa loob ng katawan mo. Iilan lang pwede kong makausap sa amin kaya nagsisiwalat ako ng thoughts and feelings sa internet. Sa amin kasi wala namang may alam na nananalo na pala si Adam Lambert sa American Idol, na MVP si LeBron James, na superstar DJs sina Mo Twister at Rico Robles.

Dating gawi, baka weekly lang ulit ang pagpo-post ko ng entry. Marami na ring topics ang pinalampas ko mula nung nawala ako. Nagugulat nga ako na gumagalaw parin ang blog stats chart ko at pumapalo parin ang scandal ko.

Nga pala, congrats kay Money Pakyaw! Kahit madalas kasing-gulo ng buhok na galing brief yun. magaling parin talaga sya. Kung magkakaanak nga sila ulit ni Jinky, alam ko na kung anong ipapangalan nila sa bata. Madali lang, i-combine mo lang yung names nila! Manny + Jinky = MANKY!

I’m back, I guess.

Bulcano

October 13, 2008 by snobero23

Dormant muna tayo ngayon.

Pasyensya muna mga ate’t kuya, kelangan lang talaga. Gusto ko mang may bumili, kelangan ko munang lagyan ng sign ang harap ng tindahan: “krisis ngayon, bawal muna ang utang”.

Sana’y inyong maintindihan. Nais ko mang umalis at lumayo para hanapin ang sarili ko, tuklasin ang mga pangarap ko, at tumakbo para lakbayin ang mundo, pero para yatang tinatamad ako.

Of birthdays and Bob Ongs

September 19, 2008 by snobero23

NINE PEOPLE HAVE ALREADY SAID that I write like Bob Ong. Or that they remember Bob Ong when they read my posts. More than one have already accused me of duplicating Bob Ong’s writing style. And hey, I’ve written too much Bob Ongs in this paragraph!

 

But before I get to that, let me first greet a very good/special friend: HEY! PEY! BERTDEY! ARIES BABALCON! That’s it. Joke.

We’ve been classmates for all of our high school life, but we haven’t really had so much time talking to and knowing each other until after graduation. You had that discreet personality that kept me guessing about your interests. You even surprised me when you showed up at our senior year’s editorial examinations, and yes, you even accumulated enough points to end up being the managing editor of our campus publication. Sorry for being the prodigal editor-in-chief that I was, because you had to do the rescuing on our paper when I was often absent for dating other girls.

That’s when we really got a little closer, with you scolding me about my misdoings and undoings and what you said before almost always goes into an ear squeezes out of the other. But yes, you always told me I was really excellent even though my grades tell otherwise. And then you utter, “who needs those grades on a piece of paper?! even if they have astronomical grades on their report cards, they’re not fooling themselves!” How I loved those statements of yours.

And now, we’re seas apart, but we always have this line that connects us. Big thanks to technology. Too many things happened to the world and to us (by the way, give my regards to Casiphia <or whatever you name her>). I feel guilty about how little this space I have allocated for you, but I hope this will be enough to get across to you the thought. I won’t slide in some cliches like “may you have mre birthdays to come” (oh, come on), but again, many thanks for thinking I’m still a good egg even though I’m slightly cracked, and HAPPY BIRTHDAY!

 

Now back to Bob Ong.

What really forced me to post something like this was Ken’s accusation. And then I was like, “errr…I hardly know him” and then he was like preaching about anything. I loved that though, because it’s not everyday that I have conversations with a superbrains like him. I said I’m a little flattered to be compared (or to be accused?!) to such an influential writer. Prior to the posting if this entry I was on a hunt for who Bob Ong is. Alright, sorry if I disappointed you for being the last man to know about his greatness, but what can I do?

I was amazed by how big Bob Ong is. Critics were all praises to him, particularly for his humor and insightful realization. And of course I also learned of his anonymity. But before that I even thought he was just another superstar blogger (but I do remember a book by him). Hell yeah, he’s the author of Ang Paboritong Libro Ni Judas which I saw in National Bookstore stalls when I was searching religious insurgence books.

Ken said my writing style was similar to Bob Ong’s (again, I felt flattered): witty and humurous but after reading he remembers nothing. Furthermore he observed how writers of today are following the fad of writing like him. He said I should never let my style overshadow my purpose. I just “listened” and revisited my sanity. I must be up to my defenses.

In the first place I didn’t even know Bob Ong until now. I feel sheepish but up to this very time I have never read any of his books or anything written by him. So there’s no possible way I could be duplicating his style. And I’ve been writing since as long as I can remember so I’ve developed in my own way my style. It might be similar in some sense because I also have influences and that I have evolved too as a writer, but I can’t remember myself intending to sound like him or any writer out there. Of course I’m a fan of many writers now but not Bob Ong (yet?). So there.

Bob Ong ought to thank me for this, he’s getting too much publicity.

Thnx for the memories

September 16, 2008 by snobero23

Finding Memo. Memorandum? No, it’s for memories.

Nyah, won’t be copy-pasting Fall Out Boys’ song lyrics just to post something on my blog. But I say ‘thnx for the memories’ to a particular someone, who was everything to me for quiet some time.

Sure, I still remembered her often even during random parts of the day. Uh, those don’t-care-about-anyone-or-absolutely-anything times. I still reminisced about our ‘hot moments’ together before, the laughs, ‘hot moments’, silly jealous times and of course–how will I ever forget– or did I mention already about our ‘hot moments’ already?!

I know this is gonna hurt like hell, but I guess I just have to get this off my chest. This is partly why I started a site on cyberspace, so I may reach out to her, let her know I still loved her through the years and hopefully she’ll care enough to let me know how she felt too. But what did I get? She hasn’t replied to any of my text messages, e-mails or even accepted my friendship request on corny Friendster!

Then recently, on the most random of days, she texted me. Oh, well, after three long years. At first I was like, ‘Oh my God, Oh my God!’ How I longed fore any piece of her.

After a few exchanges, I realized that was all it. At long last, I was able to see myself– too trapped in our glorious past together. I myself dug that hole by acting silly whenever I hear ‘I Love You Goodbye’ playing, just because she sang it often on the last weeks before we broke up. Or ‘Promise Me’ by Beverly Craven. ‘My Immortal’ by Evanescence. Toto’s ‘I’ll Be Over You’. Hey, not every love song’s about her!

A few days later, we texted again and discussed about ‘us’ because she just flattered herself upon reading my blog post about her (and I’m not bitter, this is just for the sake of the conversation):

ME: So, why did we break up?

HER: I don’t know. I…didn’t know.

ME: Wow, great. How lame can you get?

HER: I didn’t know about how you really felt for me.

ME: Do/Did you love me? (This was a nasty trick question, but I made it clear I’m not up for something.)

HER: You know very well that I loved you. (Loved. But why did you start to resurface on our anniversary date?)

ME: That’s exactly the point. Both of us made each other the center of our universe before, so how didn’t you know that I loved you too?

HER: I don’t know. You were starting to part ways with me then.

There, straight from her– she was afraid of the literal distance between us. My family and I were to move from Misamis Oriental to here in Rizal then, and so she was probably thinking of what if either of us falls into temptation. Practical, yet I thought we should have given it a shot, at least. I know I haven’t been totally faithful, but love came in the picture–which I also knew would have changed me for the better, particularly at closing the store for anyone else.

But, well, right now, all was water under the bridge. I moved on– something I thought would be impossible. I just missed her a lot, and when finally I got the chance to communicate with her–…holy bra! The intensity just wavered dramatically. When asked if I’ll still love her for always, I said yes. I moved on, but I’ll always love her– but just as a friend right now.

So far away, one last look

It’s not th same thing as before

Our heads turned, the last kiss

I have slept ’til forever.

Moving on starts with admitting that it’s over. It might be damn painful to thank her for breastfeeding me always before, but it’s over. Now, looking on to the brighter side, I believe I’m ready for another customer. This time I’ll be a notch better at giving and receiving, showing something while listening at the same time.

The store’s wide open once again!

Kabihasnan

September 7, 2008 by snobero23

Sorry.

Baka medyo mawala ako sa sirkulasyon. Lumipat kasi kami sa mga kabundukan ng Rodriguez, Rizal. Tama ang hula mo, kaya kabihasnan ang title kasi dyan ako palayo nang palayo sa ngayon. Okay lang, pag nagkatrabaho naman ako dito sa Marikina eh mas madalas ko pa ring maa-update tong blog na to.

Marami na ring nagse-search nang tungkol sa paano pumasok sa eSeM, tsaka nanghihingi ng listahan daw ng mga empleyado sa eSeM Taytay. Nge! Este, Nye! pala. Supervisor nga tawag sa akin ng mga ka-trabaho ko dati, pero wala akong listahan ng mga empleyado dun.

Ay, meron nga pala. Heto silang lahat: Read the rest of this entry »

2012 Olympic golds kasado na para sa Pinas

August 30, 2008 by snobero23

Talaga? Top searches sa blog ko ngayon ang tungkol sa Olympics at kung anong pinaggagawa ng mga Pinoy para makakuha ng ginto (or any medal, for this case). Para sa inyo, sasabihin kong pwede mo nang isulat sa history ng international sports faring ng Pilipinas ang mga gintong makukuha natin sa susunod na Olympics na gaganapin sa London.

Oo, hindi lang isa kundi MARAMI ang makukuha natin pag sineryoso na ng Pinas ang pagpapadala ng mga atleta. Humanda na silang lahat! Eto ang ilan sa mga magdadala sa atin ng karangalan: Read the rest of this entry »

Lucky 8 sa Olympics 08

August 25, 2008 by snobero23

Panindigan na natin ang pagiging swerte ng numero otso sa Chinese, kasi nag-champion naman sila overall with a total haul of 51 gold medals kumpara sa 36 ng USA (although USA parin ang may pinakamaraming medalyang naiuwi–110 kumpara sa China na may 100). Kaya heto ang walong pinaka-swerte sa edisyong ito ng Olympics:

8.) RP DELEGATION

Nang-aasar bako? Read the rest of this entry »